April 2013
1 post
Hindi ako makapaniwala na nakagawa ako ng mga posts katulad dati! Long time no post! Oras na nga ba para bumalik ako?
May 2012
4 posts
1 tag
Bat sikat na sikat mga Boyce? As in pati mga kapatid. Lalo na sa mga kapampangan. Hahahahaha :))
Random: O, alam mo na course mo?
Me: Di pa nga eh.
Random: *insert mura here* Malapit na, alamin mo na!
Me: May bakasyon pa ako para mag-isip!
Yan lagi ang takbo ng pag-uusap ng kahit sinong tao. At oo, lagi akong namumura dahil hindi ko pa rin alam. Sabi ko, may bakasyon pa ako para mag-isip. Pero ngayon, patapos na ang bakasyon pero hindi ko pa rin talaga alam.
Nakaka-pressure. Paano...
1 tag
Thoughts of dying. Every night.
3 tags
Jurassic Park
*hinahabol ni kuya yung chihuahua para takutin*
Me: Gago ka talaga.
Kuya: Bakit? DINOSAUR AKO EH.
April 2012
20 posts
2 tags
Alam ko na kung kanino talaga ako nagmana
Tulad ng nakagawian, tinext ko ang mga magulang ko pagkadating ko dito sa tinutuluyan ko sa Maynila.
Me: Ma bahay na ako
Ma: Ok. Nabigay mo ba pera sa kuya mo? (allowance)
Me: Kalahati lang. Yung kalahati akin na. Delivery fee. Hahahaha
Ma: Luka luka ayaw mo mag business (course) pero negosyante ka.
Me: Matalino lang po. Hahahaha
Ma: Ok kain ka na gutom lang yan
Pinakagusto ko sa lahat...
2 tags
1 tag
Kaya pa?
“Ayoko na.”
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na ayoko na, tinamad na ako. Hanggang sa sinabi ko na sa magulang ko. Ayun, nasabihan nga ako.
Sawang-sawa na kasi ako sa kaka-aral. Dahil nga na sa Maynila ako para makapag-review para sa nalalapit na CET. Idagdag niyo pa na nalalayo ako sa mga kaibigan ko at sa sarili naming bahay. May katapat na consequences. Hindi na ako...
Buti pa 8888, marunong magsorry.
1 tag
Pakalipas ng ilang araw, linggo, o buwan, naramdaman ko nanaman ang kalungkutan na di ko alam saan nagmumula.
Kalungkutan na nag uudyok sa akin para sabihin to at magsabi sabi.
Hindi ko talaga alam kung ano nararamdaman ko at hindi ko rin maintindihan. Siguro, gusto ko lang ito mailabas para gumaan naman ang aking pakiramdam.
Pero ang bigat pa rin eh. May luha pa yatang nahihiyang lumabas mula...
Probinsyana
Nag simula na ang pamumuhay ko dito sa Maynila. Naghahanda para sa college—review center. Mag isa na lang akong kumakain, walang mga magulang na kasama, at siguro, sa makalawa, mag-isa na lang din ako mamamasahero. Sinamahan pa ako kanina mag bus eh, pero tinuruan na rin naman ako mag LRT. At onga pala, kung iniisip niyo na nasa dorm ako o ano, nakikitira lang naman ako sa tita ko at kasama...
1 tag
Si M*** maganda sa unang tingin. Kaso tiwalang adobe lang pala
1 tag
T*ngina ang lungkot ng buhay pala pag di ka katxt. =))))))))
1 tag
Sabi na nga ba’t bobombahin mo ako eh.
Sana lumabas na lang ako kasama ang iba kong kaibigan.
Pero pinakakinainisan ko talaga?
SAYANG LIGO KO.
nakakabaog pala ang walang kausap ng ganitong oras…
Hi?
Bastos nga daw at nakaka-offend, bakit niyo pa kinakalat ng kinakalat?
Sick
Cancer = Kamatayan
Ganyan naman lagi ang tumatakbo sa utak natin. Kamatayan na agad. Wala ng pag-asa, paglagas ng buhok, pagpayat, at sakit. Meron pa naman di ba? Hindi imposibleng gumaling.
Pero totoo nga naman eh. Nakakatakot talaga. Siguro, kahit ano pa ang sabihin mo sa isang cancer patient o sa pamilya nito eh, wala. Walang mangyayari. Dahil masakit talaga at may dinadala sila na siguro ay...
2 tags
Sabi sa akin ng nanay ko nung bata ako, wag na lang daw ako mag sasalita kung wala lang din naman daw akong magandang sasabihin.
Lumaki ako, sabi naman sa akin, “Don’t talk when your mouth is full.”
Kinalaunan, nalaman ko na kung kailan ang tamang oras para mag salita.
Kaya ako, ang masasabi ko ngayon, wag kayong mag sasalita kung hindi rin kayo sigurado sa grammar niyo....
jaremhive-deactivated20120715 asked: jarem
Hindi kita maintindihan. Actually kayo. Ang mga tao.
Pag pasukan, alam naman nating bawal sa mga lalaki ang mga mahahabang buhok. Clean cut at barber’s cut lang ang kadalasang pwede. Pero kayo, gustong-gusto niyo ang mga mahahabang buhok tuwing pasukan. Pahabaan, patusukan, papormahan. Pero ngayong bakasyon, kung kailan pwede na ngayon ang mga buhok niyong mahahaba, nagpapa-kalbo kayo,...
You're gramming is killing I
Grabeeeeeee! Namamatay na ako sa nakikita kong posts/tweets/status ng mga tao! Hindi naman sa nagmamayabang ako o magaling talaga sa pag sasalita ng English, pero grabe lang. Kaya nga ako mismo, di ba, nag Fifilipino lang kahit aminado naman ako na hindi rin ako bihasa sa sarili kong wika. Naiiyak na ako sa grammar nila! Nag bakasyon lang nakalimutan niyo na ang tinuro sa inyo. :((
Ex. 1: Our...
Sabaw
Achievement for this summer: NO SLEEP!
Mukhang mababaw at mukhang katangahan lang. Pero hindi talaga ako natulog hanggang 7 AM.
Dapat talaga matutulog na ako ng around 1 AM? Pero dahil sa sobrang hyper ng ka-text ko kahit antok na antok ako, bigla akong na-high sa sinabi niya na hindi ko rin maalala. Sabi niya sa akin, hindi niya na daw ako matutulugan this time dahil sa sobrang high niya, odi...
March 2012
9 posts
Paano gamitin yung iMessage?
Try natin pleaaaase. Hahahaha :D
Hi
Matagal-tagal na nga akong hindi nakakapag post. Pati na rin ang pag bisita sa Tumblr. Siguro dahil sa pagtadtad ng school works at idagdag pa ang katamaran ko.
Bakit ko ipipilit ang sarili ko kung ayaw ko talaga? Baka kung ano pang basura ang mailagay ko dito. Pero dahil wala na talaga ako magawa ngayong nagsisimula ang summer break…Hi!
1 tag
Kakatak ka?
Di ako pala-away. Hanggat maari, umiiwas ako ng gulo. Kakilala ko man o hindi. Pinapabayaan ko na lang hanggang sa kumalma ang nag iinit nilang dugo. Ayoko lang talaga ng nakaka-away.
Hanggang sa nag iba ang tingin ko. Nakakainis lang kasi. Kahit gaano ko pag tripan ang mga kaibigan ko, ‘wag na ‘wag niyong gagaguhin ang kaibigan ko. Lalong-lalo na ang mga malapit sa akin.
...
1 tag
Kumukulong tiyan. Tumutulong sipon. Mabigat na pakiramdam.
Ughhh. Wag ngayon please. May dalawang linggo pa ng pasukan na puno ng practical tests at quizzes.
Malamang, dahil to sa puyat. 2am ba naman matulog araw-araw dahil sa busy “daw” ako.
1 tag
Fail IP=Fail OD?
IP. OD.
Pangatlong taon ko na ito gagawin. Pangatlong beses ko na ring ginawa ng halos ako lang talaga ang kumikilos.
Ang pinagkaiba? Mas tinamad ako. Habang binabasa ko ang Investigatory Project namin, ang dami kong nakitang mali. Nakakapangsisi. Simpleng pagkakamali lang dahil sa hindi ko lang pinalitan. Mga typo, at hindi updated.
Ano nangyayari! Nakakainis lang. Napakametikoloso ko...
1 tag
Bakit ganun?
Napaka komportable mong makakausap ang taong wala naman “ibang” kahulugan sa buhay mo?
Samantalang hirap na hirap kang makausap ang taong gusto mo talaga makausap?
Bakit ganun?
2 tags
I know I talk shit, but it sound right.
– Lil Wayne
1 tag
Walang nakakasiguro kung sino ang darating at mananatili sa buhay mo. Grade school-High school-college. Hindi maiiwasan ang pag-iba ng ugali, pananaw sa buhay, at ang mga makakasama natin.
Kaibigan ko ang mga hindi ko inakalang magiging kaibigan ko. Kaibigan ko pa rin ang akala kong sira-ulo, at walang kwentang schoolmate ko noong Grade school. Napagiwanan na ng mga akala kong matitino at...
1 tag
Walang kwenta/o
Dati-rati, ang dami kong naisusulat dito. Mula sa namumuting pahina, napupuno ng mga salita. May kabuluhan man o wala, basta’t nailabas ko lahat ng nararamdaman ko, masaya na ako.
Pero bakit nga ba dumating ang panahon na naubusan na ako ng sasabihin? Ang pakiramdam na wala na akong magandang sasabihin. Yung pakiramdam na wala na kayong pakialam sa kung ano man ang dinaldal ko dito.
Busy....
1 tag
February 2012
19 posts
1 tag
Paubos na notebook = Patapos na school year
Di. Joke lang. Pala-drawing lang pala ako sa likod ng notebook ko.
1 tag
Hindi ibig sabihin na pumalpak ka na ng minsan, papalpak ka ulit.
Kaya nga nabibigyan ka ng pagkakataon di ba?
Subukan mo. Wag kang susuko.
1 tag
Respeto
Natatakot ako malaman ng mga tao kung ano nangyari sa akin. Dalawang araw lang, pero marami ng nagbago. Matagal na talaga, pero nagawa ko na nga lang lumadlad sa loob ng dalawang araw.
Hindi ako natatakot dahil mali ang nangyayari. Natatakot ako dahil may mga taong sadyang sarado ang utak sa mga ganitong bagay.
May mga sanay na. May mga nandidiri, nangingilabot, kinasusuklaman. Wala namang...
1 tag
Ano ang tingin niyo sa mga Bisexual, lesbian,...
May pasok ba bukas?
Sana walang pasok bukas. Ugh. Please. EDSA day naman noong 25.
Hindi ko alam gagawin ko. May hang-over pa ako sa ABS. Wala akong ibang knwento kung hindi ABS. Pag pasok na pag pasok ko bukas, may test. Chemistry at Math! Ang problema ko, wala akong lecture dahil pull out ako tuwing hapon para sa training.
Buti napakiusapan namin na mag special test na lang kami sa Math. Chem na lang. :( Please....
natitibo for 2 days.
Pagod pa ako para ikwento ang saya. Busy sa pang sstalk. Sht. :>
May kaklase akong may girlfriend. Higher batch at sila’y patuloy na nagtatagal.
Paminsan, magkasama, paminsan naman, hindi. Hindi ko alam ang istorya sa likod ng kainlang love story. Pero ang alam ko lang, naiinis ako sa kaklase ko dahil sa kalandian niya.
Naiinis ako na ang sweet-sweet ng kaklase ko sa girlfriend niya. Sa facebook, pa “I love you” “I love you” lang...
Minsan hindi ko alam bakit sobrang bait ko sayo. Hindi ko alam kung gusto ko lang talagang gawin tong mga bagay na ‘to sayo.
O may iniintay lang akong kapalit?
2 tags
Problema tuwing overnight sa school
ODI DUN TAYO MALILIGO?!
Sana malaki cubicle!
Sana may lock!
Sana maganda yung CR!
1 tag
Kahit gaano ka kasaya sa mga kaibigan mo, may hinahanap-hanap ka pa ring pag-mamahal ng iba. Ang kalinga, pag-mamahal, at ang saya sa pamilya.
Siguro nga, lahat na lang ng tao, nagiging abala sa kanilang mga ginagawa. Kaya naman nagiging bihira na ang pagkabuo ng pamilya. Kahit nga sa espesyal na kaarawan, hindi na rin nabububuo. Paano pa kaya sa mga normal na araw?
Pero kahit ano pa mangyari,...
16 on the 16th
Lumipas ang 12 midnight ng hindi bumabati ang inaantay ko. Sabi ko sa sarili ko, malamang, nakalimutan niya.
Hanggang sa pag gising ko, wala pa rin. Kumain ng umagahan na parang normal na araw lang. Hanggang sa nag vibrate na lang bigla ang cellphone ko. 4 new messages. Akala ko sa apat na magkakaibang tao. ‘Yun pala, sa isang tao lang galing. Sa taong hinihintay ko.
Sa tuwing dumadating...
Porket Valentine’s day, wala ka ng ibang ginawa kung hindi bumanat ng puno ng bitterness. Wala ka na ring ibang sinabi kung hindi “Forever Alone”
Kung “Alone” ka, ano ang itinuturing mo sa mga kaibigan mo? Na laging andiyan tuwing may kailangan ka. Tuwing masaya ka at tuwing malungkot ka.
Ang layo-layo ng tingin niyo. Hindi niyo alam, andiyan naman pala ang mga...
Yung oras na kahit anong haba ang ipagsusulat mo dito o kahit gaanong nakakatawa, pakiramdam mo, walang tama, walang kwenta.
Venn Diagram
Please don’t compare me to the other teacher. I know you know the feeling of being compared
-Ms. E
Masakit makumpara sa ibang tao. Lalong-lalo na tuwing sinasabi na mas magaling, mas matino, mas magaling kaysa sa’yo. Alam nating masakit pero ‘di nating maiwasan na ikumpara ang isang tao sa iba.
Sa pagpatuloy ng buhay, may mga nakakasalimuha tayong iba’t-ibang tao. May...
2 tags
Sumobra
Matagal-tagal din bago ko nakamit ang inaasam kong pagbalik ng gaan ng loob ko sa’yo. Nang bumalik, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ginustong bumalik na lang ang dati.
Mula noong lumabas tayo, at matapos ang araw na ‘yun, masasabi kong wala ng naging araw na naging matino ang ating pag-uusap. Walang mahahabang kwentuhan na umaabot hanggang madaling araw. Nawala ang pagkasabik ko...