Random: O, alam mo na course mo?
Me: Di pa nga eh.
Random: *insert mura here* Malapit na, alamin mo na!
Me: May bakasyon pa ako para mag-isip!
Yan lagi ang takbo ng pag-uusap ng kahit sinong tao. At oo, lagi akong namumura dahil hindi ko pa rin alam. Sabi ko, may bakasyon pa ako para mag-isip. Pero ngayon, patapos na ang bakasyon pero hindi ko pa rin talaga alam.
Nakaka-pressure. Paano kasi kung isip ako ng isip na may gusto akong course sa certain university, tapos hindi ako papasa? Pero wag naman sana. Sa ngayon, may naiisip na ako. Hindi ko pa nasasabi sa magulang ko dahil nang dati kong sinabi, hindi nila gusto ang napili ko. Psychology at Marketing ang napili ko dati. O kaya naman mag LIA-COM sa DLSU. Double degree. Pero sabi nila, mahirap daw humanap ng trabaho sa Psychology. Magulo naman daw ang buhay sa Marketing.
Sa paglipas ng mga araw, napagisip-isip ko rin na mas alam ng mga magulang ko kung ano ang nakakabuti sa akin. Kaya nakita ko rin na mahirap nga ang pag hahanap ng trabaho sa Psychology. Pero pag dating sa marketing? Medyo desidido pa rin ako.
Marketing o Applied Corporate Management sa DLSU.
Veterinary sa UPLB.
Kakayanin kaya ang pagiging vet? Una kong iniisip ay kung papasa ako. At ang pag-aral sa gubat. Joke. Hahahaha. Ang layo lang kasi at ang hirap malayo sa mga kaibigan at pamilya. Kung sa La Salle kasi, andun lang ang tita ko at marami na akong kakilala dun. Hayyy. Hirap pala no?
*hinahabol ni kuya yung chihuahua para takutin*
Me: Gago ka talaga.
Kuya: Bakit? DINOSAUR AKO EH.
Tulad ng nakagawian, tinext ko ang mga magulang ko pagkadating ko dito sa tinutuluyan ko sa Maynila.
Me: Ma bahay na ako
Ma: Ok. Nabigay mo ba pera sa kuya mo? (allowance)
Me: Kalahati lang. Yung kalahati akin na. Delivery fee. Hahahaha
Ma: Luka luka ayaw mo mag business (course) pero negosyante ka.
Me: Matalino lang po. Hahahaha
Ma: Ok kain ka na gutom lang yan
Pinakagusto ko sa lahat eh yung pinakahuli niyang sinabi eh. Natalo ako dun. Haha
“Ayoko na.”
Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na ayoko na, tinamad na ako. Hanggang sa sinabi ko na sa magulang ko. Ayun, nasabihan nga ako.
Sawang-sawa na kasi ako sa kaka-aral. Dahil nga na sa Maynila ako para makapag-review para sa nalalapit na CET. Idagdag niyo pa na nalalayo ako sa mga kaibigan ko at sa sarili naming bahay. May katapat na consequences. Hindi na ako makakasama sa mga lakad naming mga magkakaibigan dahil tuwing weekends lang ako umuuwi at ang pagiging komportable sa sariling pamamahay. Siguro idagdag pa natin ang pagkamiss sa mga magulang ko kahit kasama ko naman doon ang kuya ko.
Pero nang nasabihan ako, napagisip-isip ko na hindi na ako makaka-urong. Nandun na ako eh. Tulad nga ng sabi ng kaibigan ko, “Sandali na lang ‘yan eh. Tiisin mo na lang.” Hayy. Nakakapagod. Nakakalungkot. Pero kakayanin ko ‘to. Nangungulila lang siguro ako sa presence nina mama at papa kapag nasa Maynila ako.
Kailangan kayanin. “Training Ground” ko lang ‘to. Paano pa pag nag college na ako? Kakayanin kahit ang bigat talaga sa pakiramdam.
Pakalipas ng ilang araw, linggo, o buwan, naramdaman ko nanaman ang kalungkutan na di ko alam saan nagmumula.
Kalungkutan na nag uudyok sa akin para sabihin to at magsabi sabi.
Hindi ko talaga alam kung ano nararamdaman ko at hindi ko rin maintindihan. Siguro, gusto ko lang ito mailabas para gumaan naman ang aking pakiramdam.
Pero ang bigat pa rin eh. May luha pa yatang nahihiyang lumabas mula sa aking mga mata.
Hindi ko maintindihan sarili ko. Ikaw? Naiintindihan mo ba ako?
Nag simula na ang pamumuhay ko dito sa Maynila. Naghahanda para sa college—review center. Mag isa na lang akong kumakain, walang mga magulang na kasama, at siguro, sa makalawa, mag-isa na lang din ako mamamasahero. Sinamahan pa ako kanina mag bus eh, pero tinuruan na rin naman ako mag LRT. At onga pala, kung iniisip niyo na nasa dorm ako o ano, nakikitira lang naman ako sa tita ko at kasama ko ang kuya ko kaya may nag aalaga pa rin naman sa akin.
Dahil nga laking probinsya, lagi na lang ako sinasabihan na mag-ingat. Skwater dito, mandurukot doon. Backpack ko na ginawa nang “frontpack” dahil daw baka mawalan ako.
Isa pa sa ngayon ko lang nalaman eh, hindi gumagana dito sa Maynila ang Supertrio40 promo ng Globe! Nakakasama ng loob dahil ang daming load na matitipid sa promo no ‘yun. Hanggang sa nakita ko sa internet na selected areas lang pala gumagana ang promo. Sayaaaaang.
Plus! Naisip ko ring kumuha ng mga litrato gamit ang malabo-labong camera ng cellphone ko para sa pagiging “explorer” ko dito sa Maynila at habang bakasyon. Ang naisip ko eh pipicturan ko paa ko habang nakikita niyo kung nasaan ako. At tatawagin ko itong Paa-ta-tin Walk? Corny yata. Ewan ko pa basta gusto ko yung paa-ta-tin.